paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Sunday, January 29, 2006

on libog

bakit kaya ang libog parang ulan, dumarating kapag di mo inaasahan? tapos wala kang payong para protektahan ang sarili mo sa pagbagsak ng kalibugan, kaya talaga namang basang-basa ka sa...ulan.

at para ring ulan, may iba-ibang nibel ng lakas ng libog.

may parang ambon na darating pero hindi naman masyadong malakas para makaisip ka nang tugunan ang libog na yon. kumbaga nakita mo lang ang crush mo sa campus na hapit ang suot. tapos yun na.

may libog na mula sa normal na pagbuhos ng ulan hanggang signal number 1. ibig sabihin, safe pang makihalubilo sa mga tao dahil hindi pa gaanong kalakas ang urge na bigla mo na lang silang hahalikan at paghihipuan. well, of course magiging touchy ka na sa puntong ito.

meron ding mula signal number 2 hanggang 3. yung may dala nang malalakas na hangin. pero sa libog, mainit na hangin ang nararamdaman mo. ang malamig lang e yung pawis mo.

at siyempre, may super bagyo na umaabot sa punto ng delubyo, nakababaliw, gusto mo nang magwala kasi nanginginig na ang mga laman-laman mo.

at lahat nang ito ay nangyayari kapag di mo inaasahan ang libog: kapag nagsisimba, kapag nasa klase ng math, kapag nanonood ng 700 Club, kapag kausap mo sa phone ang bangkong naniningil ng credit card mo, kapag gumagawa ka ng final paper para sa lit class, kapag lumilindol, habang nakikinig ka kay enya, bago ka bumagsak sa sahig sa pagkakatisod mo, habang nagbabasa ng buy and sell magazine, habang dumudumi, pag sumasakay sa escalator, o pag ginagamit mo ang katawan mo para pigilan ang pagsasara ng pinto ng mrt, kapag nagsusuklay pagkatapos maligo, kapag nagsisinga, habang nagbabasa ng livejournal na ito, at higit sa lahat...

...kapag wala kang pera.

kung bakit kasi kagabi pa pinag-uusapan ang kalibugan. binabaha na tuloy dito sa amin.

air borne ata talaga ang libog, nakakahawa. leche. ligo lang ang katapat nito. sana.

Wednesday, January 25, 2006

big left foot

yan ang bago kong pangalan ngayon. why? kasi for some unknown reason (as of now e insect bite ayon sa doktor) e namaga ang kaliwang paa ko. as in doble ng size ng kanang paa, from a little above the ankle area down. at hindi naman siya mamamaga nang walang epekto sa paglakad ko di ba? lumpo-lumpohan tuloy ngayon ang drama ko. as in lahat ng paraan para hindi masaktan ang kaliwang paa (na hindi naman din naiiwasan talaga) e ginawa ko na--kumandirit, hinila yung kaliwa sa paglakad, tiptoe, etc. try ko naman mamaya ang cartwheel at backbend.

ansakit lang talaga. mukha nga akong si professor x sa class, nakaupo tapos minomove yung chair para makapagsulat sa blackboard. hahaha. ayoko. gusto ko pa rin ako si storm. chos.

i still stand by my theory na may nagpapakulam sa aking estudyante. salbahe kasi ako. cheka.

for more, im a bad person e. with that, i end.

Tuesday, January 24, 2006

how about

just to take a break from the stressful and devastating task of checking my students' papers, here's a very high school-ish concern:

kumusta namang mula pa kahapon hanggang kanina e nakita ko lahat, as in lahat, (fine, HALOS lahat) ng crush/"love" ko dito sa school. (sabe senyo, napakahigh school nito eh. hahaha.)

akala ko, nakatulog na naman ang Diyos. but no. God really has a funny, funny way of slapping my ass back to reality. (uhm, pun intended?)

how about kinausap nga ako ng dalawa sa mga nakita ko (na btw sila ang pinakaspecial sa lahat ng nakita ko. heheh), tungkol naman sa mga problema nila sa lovelife. shet.

parang naririnig ko tuloy si bituin escalante na nagsasabing:

heto ka na naman, kumakatok sa 'king pintuan
muling naghahanap ng makakausap
at heto naman ako, nakikinig sa mga kuwento mong
paulit-ulit lang. nagtitiis kahit nasasaktan.
ewan kung bakit ba hindi ka pa nadadala
hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan niya
at ewan ko nga sayo, parang balewala ang puso ko
ano nga bang meron siya na sa akin ay di mo makita [uhm, rhetorical question, wag nang sagutin.lol]

[everybody now!!!]
kung ako na lang sana ang iyong minahal, di ka na muling mag-iisa
kung ako na lang sana ang iyong minahal, di ka na muling luluha pa
di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
narito ang puso ko, naghihintay lamang sa'yo.
kung ako na lang sana.

hay. life.

pero in fairness, talagang ang high school ng pakiramdam na tumatalon ang puso ko tuwing nakikita ko ang mga taong ito. tapos biglang nadudurog kapag kinakausap na nila ako. tama na nga.

Friday, January 20, 2006

sorry sa lahat!!!

nakakahiya ang ginawa ko kagabi...nahihiya ako nang sobra sa sarili ko...shet.

paano, hindi na naman kasi ako natulog nung wednesday para makapagpasa ng advisory marks ng freshmen yesterday. so, dere-deretso na naman ako sa klase ko ng 7:30, at nakapagturo pa ako til 3pm. darna mode na naman. tapos, naghihintay na lang ako ng rehearsals ng 6pm. e kumusta namang bumigay ang katawan ko around 5pm. at wala akong sinabihan kahit na sino na matutulog lang ako. though inassume ko naman na hahanapin naman ako nina kalon, morny at ariel bago sila pumunta sa rehearsals at makikita nila akong bumuborlog at gigisingin. shemps akala lang yun. so hindi nga nangyari. hinanap ako ng mga utaw hanggang 8pm. (btw ang rehearsals ay 6-9pm). nag-alala ata sila nang sobra. at naging cause of delay ang paghahanap sa akin, at nakadalawang run lang tuloy kami, at isa lang din ang nagawa kong run.

shet, nakakahiya talaga. hindi ko kasi binuksan ang ilaw sa kuwartong tinulugan ko kaya hindi nila ako nakita. nagblend na naman ako sa kadiliman.

but no, ewan ko lang sa mga inisip ng mga tao na rason kung bakit ako nawawala at hindi sumasagot ng telepono: ok pa sa akin ang nag-alala sila na baka namatay na ko o hinimatay sa kung saan, e kumustang naisip din nila na nakipag-EB ako sa kung kanino at hindi kagad makaalis dahil...(wink*wink*)...yun. at bakit ko naman gagawin yun bago magrehearse?! hahaha.

Sunday, January 15, 2006

The Beautiful Boxer

karapat-dapat pagpugayan ang mga matatapang na tao tulad ng bida sa kuwento na si Toom. Nakamamangha ang kanyang determinasyon sa pagkakamit ng nais niya sa buhay. Panoorin na lamang ninyo siguro upang higit ninyong maunawaan.

Natuwa lamang ako sa napakapostmodernong atake ng pelikula sa naratibo. umulan ng mga pastiche, ng paglalaro, ng intertextuality, etc. sinususugan lamang ng pelikula ang mga teorya tungkol sa pagiging arbitraryo hindi lamang ng kasarian kundi ng mismong mga pamantayang itinatakda ng lipunan, at sa harap ng kaguluhang ito sa pagpapakahulugan, mananaig lamang ang sarili, ang pagpili, ang paghahangad. muli, how postmodern can you get.

natuwa ako sa kanya. nakakatakot nga lamang isipin na maaaring magbahagi ang pelikula sa mga manonood ng pagpapatibay sa karaniwang nosyon sa mga bading na mga babaeng nakakulong sa katawan ng lalaki kung kaya't magkakaroon lamang ng kaganapan ang buhay ng isang bakla sa oras na makamit na niya ang 'ari' ng babae, ang pinakamakapangyarihan ngunit pinakamasalimuot na pamantayan ng kasarian na kinakasangkapan ng lipunan.

pwes, hindi po lahat ng bakla, gustong maging babae. mahabang usapin ito. kung gusto ninyong malaman, magkape tayo minsan. libre niyo ko. chos lang po.

Saturday, January 14, 2006

pelikula

napanood ko na sa wakas ang "The Purple Rose of Cairo" (salamat curlo!)

at kumusta namang humihikbi ako nang alas tres ng hapon sa harap ng mga kapatid ko dahil sa lintik na pelikulang 'to.

mabigat masyado. pero natuwa ako sa kanya. maganda ang pagkakagawa. maganda ang kuwento. maganda ang tension. nagustuhan ko yung eksena ng pamimili niya sa pagitan ng totoo at likhang-isip na pag-ibig.

mabuti pa nga siya, may pinagpipilian. samantalang yung iba diyan...

pero malungkot pa rin ang nangyari sa huli. hay wala talaga yatang lubos na kaligayahan dito sa mundo, mapatotoo man o mapa-ilusyon, mauuwi ang lahat sa pagpatak ng luha.

Friday, January 13, 2006

quotes

i was browsing thru my ateneo planner the other night and i amused myself by reading the quotable quotes of so-called important people in the history of the school. it made me think of my own quotable quotes that i came up with. here are some of them:

(on heartaches)
"i have a pirated cd for a life."

(on a cold january evening)
"masarap sigurong sabihin pag-uwi na 'god, it's freezing outside'
pero mas masarap pa rin sigurong sabihin ang 'honey, i'm home.'"

(on beer and getting drunk)
"sa alkohol naman,
napapawi nga ang lamig ng katawan,
nanlalamig naman ang iyong kalooban."

un lang muna.

alakdan

sa isang iglap
magdidilim ang iyong paningin;
hindi mo nanaising

maramdaman ang nakalulunos
na hapdi ng lasong
unti-unting sumusuong

sa bawat sulok ng iyong katawan;
subalit, inuusal na
ng bawat ugat ang litanya

ng paghihirap at pagsuko
sa hindi namalayang paglapat
ng buntot at balat.

kapos na ang paghinga
ng baga at pusong
pilit nagtatanong

paano mo tinanggap
ang alay na kamatayan
ng isang alakdan

na iyong kaibigan.

-jnpt 02/19/05-

pagtatangka

apat na taon na ang nakararaan nang isalin ko ang taludtod na ito mula sa isang tula ni pablo nerruda. pasintabi sa mga makata at mga nagsasalin. hehehe.


iniibig kita, pagkat walang ibang
tanto kundi ito:
walang ikaw, ni ako.

matalik, na ang iyong mga kamay
sa aking dibdib ay aking
mga kamay

matalik, na ang iyong mga mata'y
pumipikit sa aking
paghimlay.

sa alaala ng unang taong minahal ko

ANG MANANAYAW

sa bawat
pag-igtad
ng iyong katawan

at pag-indayog
ng namimintig
mong mga laman

muling sumasaliw
ang buhay
na ritmo

ng unti-unting
pagkabali
ng bawat butong

hinahanap-hanap
ang mga yapos
at haplos mo.

habang lumiliyad
ang iyong
pagkatao

mapusyaw mong susuklian
ng sulyap
ang bawat titig ko.

at sa maikling
sayawan ng ating
mga mata,

o ng akin lamang ba?

isasayaw mo ako
sa tugtuging
bagaman wala sa tiyempo,

ay napaiigtad
at napaiindayog
ang darang na anino

ng puso ko.

-jnpt 05/25/05-

bumabawi sa posts

KURTINA

sa likod ng kurtina
ang lahat ay nagiging
isa.

mga daliring
nagsasala-salabit
sa bawat kurba at ukit
ng sininong katawan at damit
na nanlalagkit.

mga katawang iba-iba
ang posisyon at postura
takot na maaninag
ang kabuuan, o kahit
anino man lang ng bawat isa.

mga aninong wari'y
matagal nang magkakilala
sa pagkabisa ng bawat nating hulma
ngunit pinagagagalaw
pa rin ng kaba

umiindayog ang bawat isa
sa likod ng kurtina
sumasabay sa nakabibinging ritmo
ng kanta ng mga negra
at negrong merkano

may pintig ang sayawan
ng mga daliri, ulo, kamay at katawan
iisa ang batas: magkapaan
nang di ka maitulak palayo
mula sa kalibugan.

sa likod ng kurtina
sa gitna ng mga aninong
di wari kung saan ang wakas ni simula,
naroon ka
nag-iisa.

-jnpt 08/22/05-

unang subok

tulug-tulugan Posted by Picasa

subok lang kung marunong na kong magpost ng picture. hahaha.

nakakainis.

aminin man natin sa hindi, pangangailangan ang katatagang pinansyal sa buhay. nakalulungkot nga lang isipin na sa harap ng pagmamalay sa katotohanang ito, tila ka imbalidong walang magawa dahil mahigpit ang pagkakayakap sa iyo ng mga sagwil sa katatagang inaasam--mataas na presyo ng bilihin, sapat lamang o kung minsan pa nga'y kulang na sahod, pamilyang nagkakaroon ng suliraning pinansyal, mga pinagkakaabalahang ginugusto mong gawin kahit na hindi kalakihan ang balik ng pera. subalit higit na nakalulungkot isipin na ang pag-aalala sa katatagang ito ay pawang pag-aalala rin ng higit pang nakararaming tao. dagdag pa ang katotohanang may mga indibidwal na tila dumudumi lang ng pera. at wala silang ibang ginagawa kundi ang pagmukhaing tanga ang sarili nila sa harap ng madla. at umarte kuno.