paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Thursday, September 09, 2004

"ang pag-ibig kong ito

luha ang tanging nakamit buhat sa iyo."

naniniwala ka ba na may isang taong nakalaan para sa iyo sa buhay na ito? e sa kasabihang mapapalad ang naniniwala kahit hindi nakikita? kapag pinagsama mo ang dalawang ito, sinasabi bang kahit hindi mo makita o makikita ang taong nakalaan para sa iyo sa buhay na ito, patuloy ka pa ring maniwala na mayroon nga, sapagkat iyon ang mapalad. hindi ba kabaligtaran ang lumalabas? sinumang maniwala rito ay maaaring kaawa-awa o kaya'y sinumpa. hindi mapalad.