paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Sunday, January 29, 2006

on libog

bakit kaya ang libog parang ulan, dumarating kapag di mo inaasahan? tapos wala kang payong para protektahan ang sarili mo sa pagbagsak ng kalibugan, kaya talaga namang basang-basa ka sa...ulan.

at para ring ulan, may iba-ibang nibel ng lakas ng libog.

may parang ambon na darating pero hindi naman masyadong malakas para makaisip ka nang tugunan ang libog na yon. kumbaga nakita mo lang ang crush mo sa campus na hapit ang suot. tapos yun na.

may libog na mula sa normal na pagbuhos ng ulan hanggang signal number 1. ibig sabihin, safe pang makihalubilo sa mga tao dahil hindi pa gaanong kalakas ang urge na bigla mo na lang silang hahalikan at paghihipuan. well, of course magiging touchy ka na sa puntong ito.

meron ding mula signal number 2 hanggang 3. yung may dala nang malalakas na hangin. pero sa libog, mainit na hangin ang nararamdaman mo. ang malamig lang e yung pawis mo.

at siyempre, may super bagyo na umaabot sa punto ng delubyo, nakababaliw, gusto mo nang magwala kasi nanginginig na ang mga laman-laman mo.

at lahat nang ito ay nangyayari kapag di mo inaasahan ang libog: kapag nagsisimba, kapag nasa klase ng math, kapag nanonood ng 700 Club, kapag kausap mo sa phone ang bangkong naniningil ng credit card mo, kapag gumagawa ka ng final paper para sa lit class, kapag lumilindol, habang nakikinig ka kay enya, bago ka bumagsak sa sahig sa pagkakatisod mo, habang nagbabasa ng buy and sell magazine, habang dumudumi, pag sumasakay sa escalator, o pag ginagamit mo ang katawan mo para pigilan ang pagsasara ng pinto ng mrt, kapag nagsusuklay pagkatapos maligo, kapag nagsisinga, habang nagbabasa ng livejournal na ito, at higit sa lahat...

...kapag wala kang pera.

kung bakit kasi kagabi pa pinag-uusapan ang kalibugan. binabaha na tuloy dito sa amin.

air borne ata talaga ang libog, nakakahawa. leche. ligo lang ang katapat nito. sana.

1 Comments:

Post a Comment

<< Home