paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Sunday, January 15, 2006

The Beautiful Boxer

karapat-dapat pagpugayan ang mga matatapang na tao tulad ng bida sa kuwento na si Toom. Nakamamangha ang kanyang determinasyon sa pagkakamit ng nais niya sa buhay. Panoorin na lamang ninyo siguro upang higit ninyong maunawaan.

Natuwa lamang ako sa napakapostmodernong atake ng pelikula sa naratibo. umulan ng mga pastiche, ng paglalaro, ng intertextuality, etc. sinususugan lamang ng pelikula ang mga teorya tungkol sa pagiging arbitraryo hindi lamang ng kasarian kundi ng mismong mga pamantayang itinatakda ng lipunan, at sa harap ng kaguluhang ito sa pagpapakahulugan, mananaig lamang ang sarili, ang pagpili, ang paghahangad. muli, how postmodern can you get.

natuwa ako sa kanya. nakakatakot nga lamang isipin na maaaring magbahagi ang pelikula sa mga manonood ng pagpapatibay sa karaniwang nosyon sa mga bading na mga babaeng nakakulong sa katawan ng lalaki kung kaya't magkakaroon lamang ng kaganapan ang buhay ng isang bakla sa oras na makamit na niya ang 'ari' ng babae, ang pinakamakapangyarihan ngunit pinakamasalimuot na pamantayan ng kasarian na kinakasangkapan ng lipunan.

pwes, hindi po lahat ng bakla, gustong maging babae. mahabang usapin ito. kung gusto ninyong malaman, magkape tayo minsan. libre niyo ko. chos lang po.

2 Comments:

  • At 11:10 PM, Blogger panchmonster said…

    Actually, yun din ang comment ko sa maximo. Na di lahat ng bading ay ganun. Baka dapat panoorin ang Brokeback mountain for a different kind of gay love story.

     
  • At 9:45 AM, Blogger jeThRo said…

    well, ang kagandahan naman ng maximo, yung kabadingan niya is circumstantial sa complexity ng urban life. kumbaga, his story could happen to anyone, esp. sa mahihirap, pero what complicated things was he was/is gay. pero tama ka rin, in terms of representation (na feeling ko rin naman na ganito ang nangyari sa beautiful boxer), inilapit lang talaga nila yung personality sa iisang klase ng bading. na kung titingnan naman e hindi rin masama kasi nangyayari naman talaga yun.

    at talagang gender issues ang paksa-paksaan.

    inaabangan ko na nga ang brokeback mountain...or sabi nga ni edgie, bareback mountain.

     

Post a Comment

<< Home