paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Saturday, March 25, 2006

pagtawanan na lamang,,,baka sakaling mawala rin

tama na muna ang pagchecheck ng mga papel. gusto ko munang magpahinga.
.
.
.
pero sa pagpapahinga ko, nakakaramdam din ako ng pagod...pagod sa pag-iisip sa mga bagay-bagay na hindi naman yata dapat ding iniisip.

sa paningin ng ibang tao, maayos ang buhay ko. may trabaho, malinaw ang mga plano sa buhay, malinaw ang mga gusto, nagagawa ang mga gustong gawin, etc. etc. pero pakiramdam ko ngayon, napakagulo ng buhay ko. magulo akong tao. oo, alam ko kung anong gusto kong gawin, at ginagawa ko yun. pero marami pa rin akong gustong gawin na hindi ko naman magawa. kasabay nito ang pagharap ko sa mga katotohanan at implikasyon ng mga pinipili kong gawin.

gusto kong makaipon para sa 25th wedding anniversary ng mga magulang ko, gusto kong mabigyan ng disenteng pc monitor ang mga kapatid ko, gusto kong mapasaya ang pamilya ko, gusto kong pumunta sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan, gusto kong makaranas ng romantikong pag-ibig, gusto kong makaranas once and for all ng isang relasyon, gusto ko nang aminin sa taong mahal ko na mahal ko siya, gusto kong ako mag-alaga sa bunso kong kapatid, gusto kong kumawala sa mga responsibilidad ko, gusto kong may mag-alaga naman sa akin.

financially, emotionally, intellectually, spiritually, magulo ang buhay ko.

alam ko na marami akong biyayang natatanggap at dapat ipagpasalamat ang mga ito. pero gaya nang napag-usapan namin nina ariel, morny, allan, mike at emman noong post valentines inuman, madaya talaga na alam mo ang mga bagay na ito, madaya na dahil sa philo, nagiging self reflexive ka, dahil parang nawawalan ka ng karapatang magreklamo kapag humaharap na sa iyo ang mga biyayang ito. madaya. madaya na alam mong mas maginhawa ang buhay mo kaysa ibang tao, madaya na alam mong mabuti't nakapag-aral ka, madaya na alam mong hindi ka laging namomroblema sa kakainin at isusuot mo araw-araw. madaya na alam mong may saysay ang buhay mo. paano ka ba naman magrereklamo niyan? huwag naman sanang may magsabing "dapat ka nga bang magreklamo? kareklareklamo ba yang mga concerns mo?" dahil ka-ipokrituhan yun. lahat tayo, nagreklamo na.

pero again, parang nawawalan ka ng karapatan kapag naiisip mo na nga ang mga bagay-bagay. masama bang maghangad ng kaligayahan ng mga magulang? masama bang maghangad ng romantikong pagmamahal? masama ba yun?

e eto ang pinili kong buhay e.

actually, lumawak na lang nang lumawak tong iniisip ko. ang pinanggagalingan lang naman nito e yung paranoia ko sa taong mahal ko e. (paglilinaw: pag sinabi kong mahal ko, hindi nangangahulugang mahal din niya ako) gusto ko na ayaw ko na gusto ko na ayaw kong malaman niya kung anong nararamdaman ko para sa kanya. baka lumayo na kasi siya. baka mailang na siya. pero baka hinihintay niya lang din na magsabi ako. ewan.

nakita niyo na kung gaano kagulo ang buhay ko?

Wednesday, March 01, 2006

not so random thoughts

na-realize ko lang, anim na sunod-sunod na gabi na akong umiinom. at hindi ko sinasadyang tumagal ng ganoon. kanina ko lang naisip na simula huwebes ng gabi, e gabi-gabi akong naglalasing. pramis, hindi ko talaga napansin.

napakasarap ng pakiramdam ng pagkilala at appreciation na ibinibigay sa iyo ng isang taong minamahal mo at nagmamahal sa iyo. nakakuha ako ng ganito kanina. cloud 9 talaga.

masakit pa rin ang umasa.

at masakit ang papalapit na pagpapaalam sa maraming tao na naging bahagi ng nakasanayan kong buhay.

pero in fairness, nawala ang sakit ng katawan ko pagkatapos kong mag-FG.

at quomota. hehe.

feeling ko very accomplished ako today (technically yesterday dahil alas-kwatro na). dami kong nagawa. from 7:30am til 2am of the following day.

at masakit pa rin ang umasa.

pero pinipili kong umasa.