paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Friday, August 29, 2008

matapos ang hirap at sakit...

...masarap talaga ang mag-hilom. PANALO! ;p

Saturday, August 23, 2008

para sa mga blue and pink rangers

natanggap ko na hinarangan ninyo ang tawiran sa katipunan,

natanggap ko na isinara rin ninyo ang mga u-turn slots.

natanggap ko na hindi na ninyo pinapadaan ang mga tricycle sa katipunan.

ang hindi ko matanggap...

,,,e kung bakit pati ang Japanese Sweet Corn May Luto ay tatanggalin din ninyo.

Katipunan is not Katipunan without Japanese Sweet Corn May Luto. parang ibang kalye na ang dadaanan namin araw-araw. hay.

Wednesday, August 20, 2008

sa tao sa kabilang panig ng salamin...

ang daya mo. ikaw nga ako. pero hindi mo naman nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko.

palit naman tayo, o.

sa tao sa kabilang panig ng salamin...

ang daya mo. ikaw nga ako. pero hindi mo naman nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko.

palit naman tayo, o.