nakakainis.
aminin man natin sa hindi, pangangailangan ang katatagang pinansyal sa buhay. nakalulungkot nga lang isipin na sa harap ng pagmamalay sa katotohanang ito, tila ka imbalidong walang magawa dahil mahigpit ang pagkakayakap sa iyo ng mga sagwil sa katatagang inaasam--mataas na presyo ng bilihin, sapat lamang o kung minsan pa nga'y kulang na sahod, pamilyang nagkakaroon ng suliraning pinansyal, mga pinagkakaabalahang ginugusto mong gawin kahit na hindi kalakihan ang balik ng pera. subalit higit na nakalulungkot isipin na ang pag-aalala sa katatagang ito ay pawang pag-aalala rin ng higit pang nakararaming tao. dagdag pa ang katotohanang may mga indibidwal na tila dumudumi lang ng pera. at wala silang ibang ginagawa kundi ang pagmukhaing tanga ang sarili nila sa harap ng madla. at umarte kuno.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home