paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Saturday, January 14, 2006

pelikula

napanood ko na sa wakas ang "The Purple Rose of Cairo" (salamat curlo!)

at kumusta namang humihikbi ako nang alas tres ng hapon sa harap ng mga kapatid ko dahil sa lintik na pelikulang 'to.

mabigat masyado. pero natuwa ako sa kanya. maganda ang pagkakagawa. maganda ang kuwento. maganda ang tension. nagustuhan ko yung eksena ng pamimili niya sa pagitan ng totoo at likhang-isip na pag-ibig.

mabuti pa nga siya, may pinagpipilian. samantalang yung iba diyan...

pero malungkot pa rin ang nangyari sa huli. hay wala talaga yatang lubos na kaligayahan dito sa mundo, mapatotoo man o mapa-ilusyon, mauuwi ang lahat sa pagpatak ng luha.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home