paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Friday, January 13, 2006

bumabawi sa posts

KURTINA

sa likod ng kurtina
ang lahat ay nagiging
isa.

mga daliring
nagsasala-salabit
sa bawat kurba at ukit
ng sininong katawan at damit
na nanlalagkit.

mga katawang iba-iba
ang posisyon at postura
takot na maaninag
ang kabuuan, o kahit
anino man lang ng bawat isa.

mga aninong wari'y
matagal nang magkakilala
sa pagkabisa ng bawat nating hulma
ngunit pinagagagalaw
pa rin ng kaba

umiindayog ang bawat isa
sa likod ng kurtina
sumasabay sa nakabibinging ritmo
ng kanta ng mga negra
at negrong merkano

may pintig ang sayawan
ng mga daliri, ulo, kamay at katawan
iisa ang batas: magkapaan
nang di ka maitulak palayo
mula sa kalibugan.

sa likod ng kurtina
sa gitna ng mga aninong
di wari kung saan ang wakas ni simula,
naroon ka
nag-iisa.

-jnpt 08/22/05-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home