paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Monday, August 23, 2004

bukang-liwayway

simula ito ng bagong araw. ang bukas kahapon, naging ngayon na. hindi nagpapigil, dahil hindi rin naman mapipigil. nakalulungkot nga lang na ang simulang ito ay hindi magtatagal, isang sandali lamang siya, dahil sa oras na nagsimula na, tapos na ang simula. ang nangyayari ay ang mismong pangyayari, hindi na ang simula nito. kahit na ang ngayon, ay hindi na ngayon, kanina na iyon, ibang ngayon na ang ngayon, na nawala na rin habang binabasa mo ang mga salitang ito. malungkot.