paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Tuesday, January 24, 2006

how about

just to take a break from the stressful and devastating task of checking my students' papers, here's a very high school-ish concern:

kumusta namang mula pa kahapon hanggang kanina e nakita ko lahat, as in lahat, (fine, HALOS lahat) ng crush/"love" ko dito sa school. (sabe senyo, napakahigh school nito eh. hahaha.)

akala ko, nakatulog na naman ang Diyos. but no. God really has a funny, funny way of slapping my ass back to reality. (uhm, pun intended?)

how about kinausap nga ako ng dalawa sa mga nakita ko (na btw sila ang pinakaspecial sa lahat ng nakita ko. heheh), tungkol naman sa mga problema nila sa lovelife. shet.

parang naririnig ko tuloy si bituin escalante na nagsasabing:

heto ka na naman, kumakatok sa 'king pintuan
muling naghahanap ng makakausap
at heto naman ako, nakikinig sa mga kuwento mong
paulit-ulit lang. nagtitiis kahit nasasaktan.
ewan kung bakit ba hindi ka pa nadadala
hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan niya
at ewan ko nga sayo, parang balewala ang puso ko
ano nga bang meron siya na sa akin ay di mo makita [uhm, rhetorical question, wag nang sagutin.lol]

[everybody now!!!]
kung ako na lang sana ang iyong minahal, di ka na muling mag-iisa
kung ako na lang sana ang iyong minahal, di ka na muling luluha pa
di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
narito ang puso ko, naghihintay lamang sa'yo.
kung ako na lang sana.

hay. life.

pero in fairness, talagang ang high school ng pakiramdam na tumatalon ang puso ko tuwing nakikita ko ang mga taong ito. tapos biglang nadudurog kapag kinakausap na nila ako. tama na nga.

2 Comments:

Post a Comment

<< Home