paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Wednesday, February 20, 2008

serial killer

kumusta namang may kumakalat na balita na may serial killer daw sa marikina. at huli siyang nambiktima sa panorama, SSS. nakakaloka, uso pala dito ang serial killers. chos.

at ang sabi sa akin ni erick, ang hitsu daw ng mandededsu na ito ay kalbo at walang kilay. horror film ito. pero in fair, pag iniimagine ko, natatakot din ako.

ang sabi pa, kapag babae, ginagahasa tapos pinapatay. kapag lalaki, pinapatay kagad. paano kaya kung bakla? puwede kayang gahasa tapos patay din? o combo nung dalawa...so papatayin muna saka gagahasin tapos papatayin ulit, parang double dead na manok. hahahaha.

ngayong iniisip ko, parang noong bata pa ako ay meron na ring ganitong balita sa marikina, sa may richdale papuntang fortune. hindi kaya siya rin yun. kalurkah di ba?