paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Tuesday, September 09, 2008

bokot na shunaginip!

grabe, nakakatakot ang panaginip ko. at mas nakakatakot kung paano ko siya naalala.

kanina, nung bumibili ako sa ministop bago ako pumasok sa school, nabasa ko yung headline sa diyaryo, na tumaas na raw ang bilang ng mga nakukuhang bangkay sa landslide sa compostela valley sa mindanao.

tapos parang episode sa heroes ang nangyari: nagzoom-in ang paningin ko sa diyaryo with matching nagblur ang ibang bagay sa paligid, and then bumalik sa akin ang panaginip ko kagabi:

nasa batangas kami, sa bahay ng mga tiyahin ko. yung luma pang bahay ang nakita ko, kasi nirenovate na siya ngayon. hemingway, pagsilip ko sa labas ng bahay dumidilim ang paligid. tapos, nakita ko yung bundok sa harap ng bahay (na sa totoo ay wala naman talagang bundok doon kasi dapat taal lake at yung taal volcano ang nandoon). and then BIGLANG NAGKAROON NG MUKHA YUNG BUNDOK! as in yung buong bundok ay isang mukha. kamukha ng mga stone monsters sa never ending story (ang retro lang nito). tapos NAGSALITA YUNG BUNDOK, ang sabi niya "KASALANAN NIYO LAHAT ITO!!!", tapos BIGLANG NAWALA YUNG MUKHA AT GUMUHO YUNG BUONG BUNDOK! akala ko aabutin kami sa bahay, pero konting lupa na lang ang pumasok sa loob ng bahay. pagtingin ko sa labas, lahat ng ibang mga bahay nakalubog na sa lupa. tapos nagising na ako.

ANG SCARY DI BA??!!!! feeling ko dala yun ng experience namin sa bonggang bonggang ulan kagabi nung pauwi na kami from ateneo at tiendesitas. siyet.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home