paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Monday, February 13, 2006

heto na naman: ako at ang kalungkutan

nitong mga huling araw, madalas akong napapaisip. at sa tuwing nag-iisip, kadalasan habang napag-iisa, nahoholdap ako. ng sarili ko. ninanakawan ako ng katahimikan. ng katinuan ng isip. ng kapayapaan ng loob.

at dali-dali akong pumupunta sa presinto. sa kuwarto ko. ang pulis na pinagsusumbungan: baso, yelo at rhum. yosi ang alalay niya't kakampi. dahil kami-kami lang ang nagkakausap, nangangako sila na sosolusyunan kaagad ang holdapan. ikukulong nito ang sariling humoldap sa sarili. ngunit, sa kahit saan namang kapulisan, palabas lamang ang hulihan. dahil matapos ang ilang oras ng pagkakakulong sa kalanguan, pakakawalan na naman nito ang sarili, at magaganap muli ang holdapan.

isang tao na naman ang dahilan ng lahat ng ito. pero hindi ko siya sinisisi kasi hindi naman niya alam na siya ang dahilan. o iniisip kong hindi pa niya alam. ako pa rin naman ang may kasalanan. coz im a bad person. and this time, i mean it.

minsan nga, iniisip ko na lang magpahuli kay edu manzano. kasi isang malaking piniratang cd ang buhay ko. paulit-ulit na lang.

1 Comments:

  • At 6:05 PM, Blogger Carlo said…

    Jetty!!! Tignan mo nga naman, buhay pa rin pala ang "paninibughong nagsakatawang-tao" blog mo. Ayus! :o)

     

Post a Comment

<< Home