paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Monday, March 23, 2009

Panalo!

Kelangan ko lang itong ilabas. Haha.

Shet. Recordbreaking itong ginawa ko. At feeling ko, ang makakaintindi nito e mga kapwa ko dakilang guro. Haha. Eto ang nakakaloka kong tagumpay for the past week:

Sa loob ng 7 days, (eksaktong mula Sunday [03/15] hanggang Saturday midnight [03/21]

3 sections ng Fil12 na may

30 students each

Ergo 90 students na nagpasa ng

2 papel each student

Ergo 180 papel

Na 4 pages ang average bawat paper

Ergo 720 pages...

...ang natapos kong checkan, matapos kong bumisita ng 8 iba-ibang kapihan:

Seattle’s Best Katipunan

Bo’s Coffee Katipunan

Coffee Bean Gateway

Coffee Bean Tomas Morato

Coffee Bean Trinoma

Starbucks Petron Katipunan

Starbucks Libis

Mocha Blends Kalayaan Ave.

(what is naubos din ang pera ko. bwahaha)

At kung iniisip ninyo na may buong pitong araw ako, WIZ! Hindi counted ang 8am to 5pm ng Monday to Friday dun dahil consultation week ko rin last week, meaning nakipag-usap ako sa

90 students, individually, at

20 minutes each student

Ergo 1800 minutes (or 30 hours) ng pakikinig at pagpapaliwanag sa students.

Lahat yan, nitong nagdaang linggo lang nangyari.

WHAT IS KARIR?! DIYOSKO, AYAW KO NANG MAULIT ITO. AMOY KAPE NA ‘KO. AT FEELING KO TUMAAS NA LALO GRADO NG MATA KO. AND MOST IMPORTANTLY, PARANG NAAADIK NA 'KONG MAGCHECK NANG MAGCHECK. KATAKOT DI BA? BWAHAHAHA. J

Sunday, March 15, 2009

sa mga nakasama ko sa enta, help...

dahil hindi ko honestly alam kung paano sisimulan ang paghahanap, humihingi po ako ng tulong sa may mga album jan kung saan ako puwedeng makahanap ng mga pictures ng mga sumusunod na prod ng enta:

bombita
tapon tapon (esp. Prop. Tuko)
maiba taya (esp. Commonwealth Of Virginia)
satirika
sandaang panaginip
tanikalang guinto
at
unang baboy sa langit


kelangang kelangan ko lang po talaga. for my portfolio. thank you po.

Monday, January 26, 2009

nagwawalang nawawala

hakab ang kahungkagan sa katawan

nang hagkan ang hagap ng panagimpan.

paano’y hinimod hanggang humilahod

hagak, halak, hagod, hinuhod.

Thursday, October 09, 2008

biyaheng parang-katipunan

bakit ba kasi parang nananadya ang uniberso? wala namang ganyunan.

Tuesday, September 09, 2008

may mga taong ipinanganak para...

...buwisitin ang maganda mong gising.

NAKAKAINIS!

can i just share, ang ganda ng gising ko kaninang umaga. at maaga akong nagising in fairness to me. tapos nakapagkape pa ako. hindi man lang ako nagmadali sa pag-aayos ng gamit at paliligo. nakapag-concert pa nga ako sa banyo. minsan lang mangyari ang ganito sa akin, lalo na pag may 7:30 class ako.

o e di tuloy ang ganda ng umaga sa paglabas ko ng bahay. may i good morning ako sa kapitbahay. mejo malamig pa dahil alas-sais pa lang kaya hindi kadiring maglakad. at pagdating sa kanto ng sakayan ng fx, aba, dala-dalawa ang fx na naghihintay ng pasahero. PANALO TALAGA.

BUT NO, so pinili ko yung fx na nasa harap, kasi mas marami na ang pasahero. konti na lang at napuno na ang fx. and so, nagbiyahe na kami.

EH ETO KA...pumasok sa gasolinahan ang fx. mejo ok pa ko although generally e imbey talaga ako sa mga fx na nagpapagasolina kapag may mga pasahero na lalo na kapag umaga kasi nagmamadali rin naman ang mga pasahero, puwede naman silang magkarga ng gasolina bago bumiyahe. kung gabi, medyo naiintindihan ko pa yun. ETO NA.

1st stop: sa hanginan ng gulong. may nauna sa amin so hinintay na matapos. then nagtagal pa ang mamang driver sa pagseset ng pressure. at ang hindi ko na-take, hinanginan niya ang LAHAT NG GULONG, na tama ngang gawin pero hindi kapag may nagmamadaling mga pasahero di ba?! mga 10 mins kami dito.

2nd stop: akala namin tapos na, aba pumila pa sa gasolina. e may dalawang nauna sa kung saan siya pumila. hinintay naming matapos . mga 5mins din ito. tapos nagpagasolina pa, e kumustang busy-busyhan ang mga gas boys! so finally nung na-attend-an na kami ng gas boy, nagbukas pa ng hood si manong at tinubigan pa ang makina. NAKAKALOKA! mga 3-4 minutes din kami dun.

SO IMAGINE, 20 MINUTES ANG SINAYANG NAMIN SA GASOLINAHAN SA MGA GAWAING DAPAT E GINAGAWA NIYA BAGO SIYA MAGSAKAY! kaya ayun, inabot na kami ng traffic ng marikina at inabot na ko ng traffic ng katipunan.

ang nakakainis pa, may isang pasahero na kumausap sa kanya sa isang banayad na paraan (babaeng teacher ata kasi), ang sabi "manong, sa susunod po, gawin niyo po yun bago kayo bumiyahe, kasi kaya po kami nag-fx para mas mabilis ang biyahe, pero mga 20mins din po ang itinagal natin dun. E KEBER LANG ANG MANONG. WALA MAN LANG PASENSYA NA or SORI or KAILANGANG KAILANGAN KASI. DEDMA LANG TALAGA!!! ARGGGHHH!!

kaya mga kapatid wag na kayong sasakay sa FX na may plate number na PXD982.

alam ko lahat tayo naghahanapbuhay, pero kung pano kayo nagagalit kapag yung ibang manggagawa e hindi makapagdeliver ng serbisyo nila, sana naman maging conscious tayong lahat sa mga serbisyong ibinibigay natin. KAINIS!

bokot na shunaginip!

grabe, nakakatakot ang panaginip ko. at mas nakakatakot kung paano ko siya naalala.

kanina, nung bumibili ako sa ministop bago ako pumasok sa school, nabasa ko yung headline sa diyaryo, na tumaas na raw ang bilang ng mga nakukuhang bangkay sa landslide sa compostela valley sa mindanao.

tapos parang episode sa heroes ang nangyari: nagzoom-in ang paningin ko sa diyaryo with matching nagblur ang ibang bagay sa paligid, and then bumalik sa akin ang panaginip ko kagabi:

nasa batangas kami, sa bahay ng mga tiyahin ko. yung luma pang bahay ang nakita ko, kasi nirenovate na siya ngayon. hemingway, pagsilip ko sa labas ng bahay dumidilim ang paligid. tapos, nakita ko yung bundok sa harap ng bahay (na sa totoo ay wala naman talagang bundok doon kasi dapat taal lake at yung taal volcano ang nandoon). and then BIGLANG NAGKAROON NG MUKHA YUNG BUNDOK! as in yung buong bundok ay isang mukha. kamukha ng mga stone monsters sa never ending story (ang retro lang nito). tapos NAGSALITA YUNG BUNDOK, ang sabi niya "KASALANAN NIYO LAHAT ITO!!!", tapos BIGLANG NAWALA YUNG MUKHA AT GUMUHO YUNG BUONG BUNDOK! akala ko aabutin kami sa bahay, pero konting lupa na lang ang pumasok sa loob ng bahay. pagtingin ko sa labas, lahat ng ibang mga bahay nakalubog na sa lupa. tapos nagising na ako.

ANG SCARY DI BA??!!!! feeling ko dala yun ng experience namin sa bonggang bonggang ulan kagabi nung pauwi na kami from ateneo at tiendesitas. siyet.

Friday, August 29, 2008

matapos ang hirap at sakit...

...masarap talaga ang mag-hilom. PANALO! ;p

Saturday, August 23, 2008

para sa mga blue and pink rangers

natanggap ko na hinarangan ninyo ang tawiran sa katipunan,

natanggap ko na isinara rin ninyo ang mga u-turn slots.

natanggap ko na hindi na ninyo pinapadaan ang mga tricycle sa katipunan.

ang hindi ko matanggap...

,,,e kung bakit pati ang Japanese Sweet Corn May Luto ay tatanggalin din ninyo.

Katipunan is not Katipunan without Japanese Sweet Corn May Luto. parang ibang kalye na ang dadaanan namin araw-araw. hay.