tula-tulaan
yet another attempt to do poetry:
kalendaryo
miyerkules.
"umiiyak tayo para malaman
kung sino ang pupunas
ng mga luha natin." sinabi
mo ito sa akin.
martes.
umiyak ka at ang langit.
nag-unahan kayo ng mga ulap
sa pagpapapatak ng luha sa
pasimano ng bintana.
nanalo ang mga ulap.
lunes.
nakapaninibago. maalinsangan
gayong ubos na ang alimuom
sa aking katawan. napasingaw
nang lahat ng bagyong delubyo,
habang sinisigaw ng hangin ang pangalan mo.
linggo.
sabado. biyernes. huwebes.
walang pumunas sa mga luha ko.
natalo ko ang mga ulap, pero
sinong mag-aakalang magwawagi sila
sa iyo dahil sa hawak kong panyo
at hindi sa pasimano ng bintana
babagsak ang luha mo?
miyerkules.
hindi para sa akin ang mga katagang ito.
dahil hindi mahalaga kung sino
ang pupunas ng iyong mukha,
kung may pinaglalaanan ka na
nitong papahiring mga luha.
kalendaryo
miyerkules.
"umiiyak tayo para malaman
kung sino ang pupunas
ng mga luha natin." sinabi
mo ito sa akin.
martes.
umiyak ka at ang langit.
nag-unahan kayo ng mga ulap
sa pagpapapatak ng luha sa
pasimano ng bintana.
nanalo ang mga ulap.
lunes.
nakapaninibago. maalinsangan
gayong ubos na ang alimuom
sa aking katawan. napasingaw
nang lahat ng bagyong delubyo,
habang sinisigaw ng hangin ang pangalan mo.
linggo.
sabado. biyernes. huwebes.
walang pumunas sa mga luha ko.
natalo ko ang mga ulap, pero
sinong mag-aakalang magwawagi sila
sa iyo dahil sa hawak kong panyo
at hindi sa pasimano ng bintana
babagsak ang luha mo?
miyerkules.
hindi para sa akin ang mga katagang ito.
dahil hindi mahalaga kung sino
ang pupunas ng iyong mukha,
kung may pinaglalaanan ka na
nitong papahiring mga luha.
3 Comments:
At 2:08 PM, Lordy said…
by any chance, are you channeling Imelda Papin (AT coincidentally meron na daw espaƱol version and isang linggong pag-ibig).
At 5:12 PM, jeThRo said…
hahaha. well, i hope not, cuz, with all due respect to ms. imelda papin, her "isang linggong pag-ibig" might be lonely, but mine is lonelier.
magkakaroon din kaya yun ng chinese, japanese, american, french, etc. version. parang "anak" ni freddie aguilar?
At 1:03 PM, Carlo said…
Hahahaha! Kaya siguro walang tigil ang pag-ulan nitong mga nakaraang araw.
Post a Comment
<< Home