paninibughong nagsakatawang-tao

kahit ang kalungkutan, dapat pinagsasaluhan. makiisa sa pagdiriwang ng pighati at kasawian.

Tuesday, July 15, 2008

para kay justin (at sa akin na rin)

hawak-kamay

ginagalugad ng mga daliri ko

ang palad mo

para nang isang mandirigmang

ubod-ingat sa pagtapak

sa bawat bato, tipak

ng lupa’t damo ng isang gubat.

ubod-ingat na di makalikha ng

kahit mumunting kaluskos

upang di magitla at magulo

ang sasakuping kuta ng isip mo.

naninigurong bawat uka at tambok,

linya at umbok ay maisasaulo

nang magapi ang pangambang

iipitin ng palad mo ang mga daliri kong

hindi naman, kahit kailan,

magwawagi

sa isip mong

ang laman naman ay hindi ako.

-jnpt 12:42pm, 071508

1 Comments:

  • At 12:44 AM, Anonymous Anonymous said…

    aww. ang ganda naman nito.

    swerte naman nitong si justin.

     

Post a Comment

<< Home